Sinupalpal ng China ang ilang ulat na nag-deploy ito ng mga radar, missile at fighter jet sa West Philippine Sea lalo sa Paracel Islands.
Ito ang tugon ni Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying, sa pahayag ni US Pacific Fleet Commander, Admiral Harry Harris na malinaw na may ginagawang militarisasyon ang China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying, hindi lamang ang Tsina ang dapat pagtuunan ng pansin ng media kundi maging ang aktibidad ng iba pang claimant.
Umaasa naman si Hua na magiging patas ang mga balitang inilalabas ng media hinggil sa territorial dispute.
By Drew Nacino