Ipabeberipika ng Malacañang ang ulat na binibigyan umano ng special treatment ng DOJ o Department of Justice ang ilang high profile inmate sa New Bilibid Prison (NBP) kapalit ng pagdidiin kay Senadora Leila de Lima sa kaso nitong may kinalaman sa isyu ng iligal na droga.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi nila pinapaboran ang ganitong aksiyon kung sakali kayat ipapa-verify nila ang nabanggit na impormasyon.
Simpleng beripikasyon lamang aniya at hindi imbestigasyon ang gagawin para mabatid kung ano ang totoo sa nabanggit na akusasyon.
Matatandaang ilang high profile inmates na sangkot sa droga ang tumestigo at nagdiin kay Senadora Leila de Lima sa illegal drug trade sa loob ng Pambansang Piitan noong kalihim pa ito ng Department of Justice kung saan milyon-milyong piso umano ang ibinibigay sa kanya.
By Rianne Briones | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)