Ipinabeberipika ng Malacañang ang ulat na tuloy na ang pagbitay kay Mary Jane Veloso sa susunod na linggo.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wala pang napaparating na abiso at report ang mga diplomats ng bansa sa Indonesia.
Aniya, mahirap na mag-speculate sa ganitong kaso kaya naman puspusan ang makikipag-ugnayan ng pamahalaan sa opisyal ng gobyerno sa naturang bansa.
Bago ito, personal na dinalaw ni People’s Champ Manny Pacquiao si Veloso tulad nang una na nitong ipinangako.
By Rianne Briones | Aileen Taliping (Patrol 23)