Ipinagtataka ng pambansang pulisya sa inilabas na datos ng Ateneo School of Government Policy Center hinggil sa 7,000 kaso ng pagpatay dahil umano sa iligal na droga mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Police Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, maling i-ugnay ang mga insidente ng pagpatay sa mga posibleng motibo tulad ng away pamilya, away sa lupa, road rage at aksidente o indiscriminate firing.
Batay sa datos ng real numbers Philippines mula Hulyo 2016 hanggang Pebrero ng taong ito, aabot lamang sa 5,221 kaso ng pagkamatay na may kinalaman sa iligal na droga.
Malayong malayo ayon kay Banac sa 7,029 na bilang ng mga nasawi mula mayo 2016 hanggang Disyembre ng nakalipas na taon.
Bagaman ginagalang ng PNP ang inilabas na datos ng Ateneo School of Government, nanindigan pa rin ito na ligal at naaayon sa saligang batas ang kampaniya kontra droga ng may paggalang sa rule of law, karapatang pantao at karapatan ng bawat isa na mabuhay.