Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala silang nakitang pagtaas ng COVID-19 positivity rate.
Taliwas ito sa ulat ng OCTA Research Group na bahagyang tumaas ang positivity rate sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mino-monitor nila ang positivity rate at linggu-linggong sinusukat.
Hindi anya ito maaaring sukatin bawat araw dahil maraming factors ang maaaring makaapekto sa pag-compute ng daily positivity rate.
Idinagdag pa ni Vergeire na sa halip na pagtaas, pagbaba sa positivity rate ang nakikita ng DOH kung saan bumaba sa 2.7% mula sa 3.2% noong nakalipas na linggo.