Pinabulaanan ng US Embassy ang ulat na kinansela na ng Amerika ang mga tourist visa’s at sinuspinde na rin ang pagtanggap ng visa application at renewal.
Kasunod ito ng paglabas ng mga pekeng advisory sa social media na kinansela na ng US embassy ang pag-iisyu at pagpo-proseso ng tourist visa kasunod ng mga kaso 2019 novel coronavirus sa bansa at pagbasura ng Visiting Forces Agreement.
Ayon sa embahada, hindi pa rin nagbabago at nanatili pa rin ang visa policy ng Amerika sa Pilipinas.
Pinayuhan ang publiko na bisitahin lamang ang opisyal na website ng US embassy at mga social media account nito para sa wasto at totoong mga anunsiyo.