Itinanggi ng Bureau of Customs (BOC) ang ulat na nanumbalik umano ang congestion sa Manila International Container Port (MICP).
Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, batay sa kanilang inspeksyon ay nasa 94 porsyento ang yard utilization rate sa lahat ng pantalan na nangangahulugang nakagagalaw pa ang mga container vans.
Gayunman, tinutugunan na anya nila ang reklamo ng mga port trucker sa libu-libong empty container vans sa MICP container yards.
Kabilang sa inilatag na solusyon ng BOC ang pag-accredit sa karagdagang container yards kung saan maaaring ilagak ng mga shipping line ang kanilang mga container.
Ilan sa mga inaprubahang depot para sa mga empty container van ang Pacific Roadlink Logisitics sa Angat, Bulacan at Laguna Gateway Inland Container Depot sa Calamba.