Minaliit lamang ng pambansang pulisya ang naging ulat ng US Intelligence Community kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y makaraang bansagang banta ang Pangulo sa demokrasya sa Timog Silangang Asya dahil sa mga hakbang nito laban sa iligal na droga, krimen at katiwalian.
Ayon sa PNP Chief, iisang grupo lamang sa Amerika ang naglabas ng kanilang opinyon at hindi aniya iyon sumasalamin sa pananaw ng pamahalaan o di kaya’y mga mamamayan ng naturang bansa.
Dagdag pa ni Bato, maaari rin namang ibalik ng Pilipinas ang bansag sa Amerika na siyang banta naman sa demokrasya dahil sa pakikialam nito sa mga usaping panloob sa bansa.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jonathan Andal
Posted by: Robert Eugenio