Iginiit ni Communications Secretary and Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na luma na ang isyung inilabas sa Philippines in the 2021 country reports on Human Rights practices ng Amerika na tumutukoy sa mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa.
Kung saan batay sa ilang bahagi ng report, iniulat na nakagawa ng maraming pang-aabuso ang ilang otoridad ng gobyerno gaya ng Armed Forces of the Philippines.
Pinabulaanan naman ito ni Andanar at binigyang diin na ang AFP ang pinaka-pinagkakatiwalaan at aprubadong institusyon ng gobyerno, na binanggit ang non-commissioned survey na isinagawa ng Publicus Asia.
Mungkahi ni Andanar sa United States State Department patunayan ang mga naturang ulat.