Magpapalabas ng dokumentaryo ang Presidential Communications Office para sa unang taon ng administrasyong Duterte sa Biyernes, Hunyo 30.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, laman ng naturang dokumentaryo ang mga nagawa ng administrasyon sa nakalipas na isang taon.
Maliban sa video documentary na ipalalabas sa telebisyon ng bayan at iparirinig sa Radyo Pilipinas, ilalathala rin ang ulat sa bayan ng Pangulo sa PNA o Philippine News Agency.
Sinabi pa ni Andanar na iikot sa kampaniya kontra droga, krimen at katiwalian ang mga lalamanin ng nasabing ulat gayundin ang pinapalutang na EJK o extra – judicial killings ng mga kritiko ng Pangulo.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Ulat sa Bayan ng Pangulo sa Hunyo 30 ikinakasa na was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882