Kinansela ang “Talk to the people” ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaasahang sa susunod na linggo na muli magsasalita sa taumbayan ang Pangulo.
Hindi nagbigay ng rason si Roque sa hindi pagpapakita kahapon ng Pangulong Duterte.
Karaniwang ginagawa ng pangulo ang “Talk to the people” tuwing Lunes.
Magugunitang, huling nagsagawa ng Talk to the people ang Pangulo noong ika-29 ng Marso ng salubungin nito ang isang milyong Sinovac doses na binili ng Pilipinas mula sa China.— sa panulat ni Rashid Locsin