Muling nabigo ang ultimatum na inisyu ng Russia sa Ukraine sa Mariupol kung saan, nagbigay sila ng dalawang opsiyon kung sila ay susuko o mamatay nalang sa pakikipaglaban.
Nais kasi ng Russia na isuko na ng Ukraine ang dalawang probinsya sa kanilang lugar na inaangkin umano ng Moscow pero hindi pa rin nila ito hinayaang masakop ng russian military forces sa kabila ng patuloy na pananakop nito.
Una nang sinabi ng Ukraine na kanilang hinold ang libo-libong Russian troops na nagtatangkang sumalakay at agawin ang dalawang Eastern provinces.
Sa ngayon, iminungkahi ng Ukraine na magsagawa ng “special round negotiations” matapos ang ultimatum na inilabas ng Russia. – sa panulat ni Angelica Doctolero