Matatapos na ngayong araw ang 15 araw na ultimatum ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa sa mga police regional director para tuldukan ang illegal gambling sa kanilang mga lugar.
Kasabay nito ay ang bantang pagpapasibak sa pwesto ng regional directors na hindi makasusunod sa utos ni Dela Rosa.
Gayunman, wala pang impormasyon mula sa pambansang pulisya kung may masisibak na mga heneral.
Bagama’t may mga Chief of Police na mula sa Batangas at Laguna na ranggong superintendent ang tinanggal na sa pwesto noong Lunes matapos na mabigong mapigil ang illegal gambling sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon naman kay Interior and Local Government Acting Secretary Catalino Cuy, na sa kanyang pagkakaalam ay tumalima sa ultimatum ni Dela Rosa ang mga PNP regional director.
Batay sa tala ng PNP, aabot na 15,000 na ang naaresto dahil sa illegal gambling simula noong Pebrero hanggang ngayong buwan.