Magsisimula na ngayong araw ang ultimatum ng Bureau of Immigration sa mahigit 48,000 foreign workers ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na kanselado ang visa.
Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, 59 na araw ang ibinigay nilang palugit sa mga foreign POGO worker, na karamiha’y Chinese, para umalis ng Pilipinas.
Tangi anyang mga foreign worker sa mga POGO company na may “revoked license” ang binigyan ng ultimatum.
Gayunman, binalaan ni Sandoval ang nga POGO company na tatangging pauwiin ang mga nasabing manggagawa.