Nagtakda na ng deadline si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagsuko ng tatlong assets ng National Bureau of Investigation (NBI) na sangkot umano sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Ayon kay Pangulong Duterte, binibigyan niya ng dalawang araw ang NBI upang isuko ang tatlong assets kapalit ng pabuyang 1 million pesos bawat isa.
Hinamon din ng Punong Ehekutibo si NBI Director Dante Gierran na ilabas ang tatlo at kung mabibigo ay tiyak na sisibakin niya ito.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino