Nakadiskubre ng Ultraviolet Disinfection Machine ang ilang mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines College of Engineering (PUP CEA) na kayang mag-disinfect ng mga dokumento laban sa COVID-19.
Ayon kay Ginno Andres, Project Head at Director ng Intellectual Property Management Office ng PUP, ang mga mag-aaral mismo ang nakaisip ng ideya na kalaunan ay sinuportahan ng pamunuan ng Unibersidad.
Dahil sa imbensyon, pinaplano nang PUP na gamitin ang mga machines sa mga documents receiving areas sa paaralan, lalo’t nasa operasyon ito sa pagproseso ng mga dokumento.
Pinag-aaralan na rin ng Unibersidad na i-commercialize ang machines sa pamamagitan ng paghain nito sa Intellectual Property Office of the Philippines.
Nagkakahalaga ng P3K hanggang P4K ang isang machine na nagdi-disinfect nang dokumento sa loob ng 10 segundo.
Matatandaang una rito, sinabi ng United States Food and Drug Administration na kayang patayin ng Ultraviolet-C Radiation ang COVID-19 virus at mapigilan ang pagkalat nito.