Sumampa na sa 73 ang bilang ng mga nasawi, 24 ang nasugatan habang labing siyam ang nawawala kasunod ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 24 sa mga ito ay mula sa Cagayan Valley, anim sa Central Luzon, 17 sa CALABARZON, walo sa Bicol, 10 sa Cordillera at walo sa Metro Manila.
Samantalang anim naman sa mga naitalang sugatan ang mula sa Cagayan Valley, siyam sa CALABARZON, walo sa Bicol at isa ang nagmula sa Cordillera.
Habang sa mga napaulat na nawawala, anim ang tiga-Cagayan Valley, dalawa mula sa CALABARZON, walo sa Bicol Region at tatlo naman sa Metro Manila.
Umaabot naman sa 727,738 na pamilya o katumbas ng 3,052,049 na indibiduwal mula sa mahigit limang libong mga barangay ang naapektuhan ng bagyo.
Sa nabanggit na bilang, nasa 70,784 na pamilya o katumbas ng 283,656 na indibiduwal ang nanunuluyan pa rin ngayon sa mahigit 2,000 mga evacuation centers.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)