Umakyat na sa 37 ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang lugar sa Luzon matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Cashean Timbal, sa nabanggit na bilang ay 20 sa Region 2; anim sa CALABARZON; lima sa Region 5; at anim naman sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Labing-lima (15) naman ang missing o patuloy na hinaharap ng mga awtoridad kung saan dalawa sa CALABARZON; walo sa Region 5; at lima sa CAR.
Samantala, binanggit ni Timbal na sumampa na sa 22 ang nasaktan sa nangyaring kalamidad na kinabibilangan ng tatlo sa Region 2; siyam sa Calabarzon; walo sa Region 5, at dalawa naman sa CAR.
Gayunman, nilinaw ni Timbal na nagsasagawa pa sila ng verification o validation sa mga naturang numero.