Sumirit na sa 69 ang bilang ng mga nasawi sa pagtama ng Bagyong Ulysses sa bansa.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Ricardo Jalad, karamihan sa mga namatay ay mula sa Cagayan Valley.
Aabot naman sa 286,000 families o katumbas ng 1.1-million individuals ang apektado ng kalamidad habang mahigit 3,000 kabahayan ang napinsala.
Samantala, tinatayang P1-bilyong na ang halaga ng danyos sa agrikultura habang P253-milyon naman sa imprastraktura.