Lumakas pa ang Severe Tropical Storm Ulysses at malapit na itong umabot sa typhoon category.
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa at magiging isang ‘Typhoon’ ang Bagyong Ulysses sa susunod na anim (6) hanggang 12 oras, at aabot sa kanyang peak intensity na 130-155 kilometers per hour (km/h) bago pa ito inaasahang mag-landfall sa bahagi ng Polillo Islands at Quezon, ngayong gabi o bukas ng madaling araw.
Huling namataan kaninang alas-7 ng umaga ang sentro ng Severe Tropical Storm ‘Ulysses’ sa layong 135 km hilaga, hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes o 350 km silangan ng Infanta Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 135 km/h.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 km/h.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
- gitna at timog na bahagi ng Quirino
- gitna at timog na bahagi ng Nueva Vizcaya
- timog na bahagi ng Benguet
- timog na bahagi ng La Union
- Pangasinan
- Zambales
- Bataan
- Tarlac
- Pampanga
- Nueva Ecija
- Aurora
- Bulacan
- Metro Manila
- Rizal
- Laguna
- Cavite
- Batangas
- Quezon kabilang na ang Polillo Islang
- Marinduque
- hilagang bahagi ng Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Island
- hilagang bahagi ng Oriental Mindoro
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Catanduanes
- Burias at Ticao Islands
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Isabela
- nalalabing bahagi ng Quirino
- nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- nalalabing bahagi ng Benguet
- Abra
- Ilocos Sur
- nalalabing bahagi ng La Union
- nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro
- nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro, Romblon
- nalalabing bahagi ng Masbate.