Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang muling lumakas na Typhoon Ulysses.
Ayon sa PAGASA, dakong alas-9:30 ng umaga nang makalabas na ng PAR ang sentro ng bagyo.
Kasunod nito ay inalis na rin ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa bansa.
Samantala, kapwa magdadala pa rin ng pabugso-bugsong lagay ng panahon ang Bagyong Ulysses at Hanging Amihan sa mga lugar sa Batanes, Babuyan SIlands, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Zambales at Bataan.
Makararanas naman ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan sa Batanes at Babuyan Islands, habang mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman, at minsa’y malakas na buhos ng ulan sa Cagayn Valley, CAR, Ilocos Norte, at Aurora.
Inaasahan namang tatahak ang Bagyong Ulysses sa bahagi ng Vietnam.