Umaabot sa halos 2 Milyong Pisong Salapi ang nakumpiska ng PNP-Special Action Force sa unang linggo ng “Oplan Digmaang Droga” ng Department Of Justice sa New Bilibid Prison.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kabuuang P1,612,909 cash ang nasabat ng PNP-SAF sa Building 14 at Maximum Security Compound ng Bilibid mula July 20 hanggang July 26.
Bukod dito, ilan pa sa narekober ng SAF sa paggalugad nila sa Bilibid ay 152 Cellphones, 62 Mobile Chargers, 6 na sachet ng suspected Shabu, Isang plastik ng suspected Marijuana, 80 bladed weapons, 12 ice picks, isang kalibre ng .38 Pistol, 6 na improvised shot guns, at 48 television sets.
Ipinabatid ni Aguirre na bukod sa Bilibid, sabay na inilunsad ang Oplan Digmaang Droga sa iba pang Penal Colonies sa bansa gaya sa Sablayan, Iwahig at Zamboanga.
Kaugnay nito, kampante si Aguirre na tuluyan nilang matutuldukan ang drug- related activities sa Bilibid sa loob ng isang taon.
By: Meann Tanbio