Hindi nakakaalarma.
Ito ang binigyang linaw ng pamunuan ng St. Luke’s Medical Center (SLMC) sa publiko hinggil sa bilang ng mga nurse na nagbibitiw sa kanilang pwesto.
Ayon kay SLMC Executive Vice President at Chief Medical Officer Benjamin Campomanes Jr., na ang naturang pag-re-resign sa kanilang posisyon ay hindi nakakaalarma gaya ng lumabas sa ilang reports.
Giit ni Campomanes, patuloy ang ginagawang hiring and training ng ospital para matiyak na ang mga mababawas na empleyado ay agad na mapapalitan.
Sa huli, tiniyak ng pamunuan ng SLMC, na nakahanda ang ospital at mga tauhan nito na tugunan ang lahat ng mga pasyenteng nangangailangan ng atensyong medikal.