Aabot na sa 545 million pesos ang halaga ng mga nasabat na smuggled agricultural products ng Bureau of Customs (BOC) mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.
Ayon sa BOC, nangunguna sa mga produkto na kanilang naharang ang puslit na bigas na tinatayang 206.80 million pesos; sibuyas, 190.48 million pesos at bawang, 55 million pesos.
Sa datos ng action Team Against Smugglers ng legal service ng aduwana, 41 indibidwal at customs brokers na ang kinasuhan sa Department of Justice (DOJ).
Sampung administrative cases naman ang inihain sa Professional Regulation Commission (PRC) laban sa mga customs broker na sangkot sa smuggling.—sa panulat ni Drew Nacino