Nasa 71 ang patay habang mahigit 100 naman ang nasugatan sa Ukraine simula nang salakayin ito ng Russia.
Ito ay ayon kay Ukrainian parliament official na si Lyudmyla Denisova kasunod ng ginawang pambobomba umano ng Russia sa isang children’s hospital sa Mariopol City sa Ukraine kung saan tatlo katao ang napatay kabilang na ang isang batang babae.
Aniya, limang indibidwal kabilang na ang tatlong bata ang nasawi nang mawasak ang pitong bahay sa lungsod ng Malyn sa nasabing bansa, nang dahil sa air strike.
Kabilang din sa mga binawian ng buhay ang dalawang babae at dalawang bata nang tamaan ng shell ang tahanan habang mapalad naman na nakaligtas dito ang isang limang taong gulang na batang babae.
Sa Irpin, isang lungsod na hindi kalayuan sa kabisera ng Kyiv, isang 10 taong gulang na batang babae ang malubha namang nasugatan at kasalukuyang nakikipaglaban ngayon para sa kanyang buhay.