Pumalo na sa 15,000 na pamilya o 72,000 na indibidwal ang apektado ng Bagyong Paeng sa Bicol Region
Nananatili sa mga evacuation centers ang mga lumikas na Pilipino.
Ayon kay Gremil Alexis Naz, Spokesperson of Office of Civil Defense-Bicol ang mga nasabing indibidwal na lumikas ay mula sa mga landslide at flood-prone areas habang higit daang katao naman ang tumutuloy sa ibang tirahan.
Nagsimula na rin ang lokal na pamahalaan sa pre-emptive at forced evacuation sa mga high risk areas. - sa panunulat ni Jenn Patrolla