Umakyat na sa 20 ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) matapos na maitala ang 10 bagong kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, ang resulta ay batay sa lumbas na test mula sa mga samples na nakolekta mula March 6 hanggang 8.
Kaugnay nito, nagsimula na ang contact tracing sa mga nakahalubilo ng mga nag positibo sa naturang sakit.
Stable ang kalagayan ng mga COVID-19 patient number 7 hanggang 10 at kasalukuyang naka-confined sa iba’t-ibang ospital sa Metro Manila.
Habang umabot na sa 468 ang na – trace ng DOH epidemiology bureau na nakahalubilo ng mga patient 4 hanggang 10.