Umabot sa 40 na patay na baboy ang nakuha ng Marikina City Government sa Marikina River.
Ayon kay City Veterinarian, Dr. Manuel Carlos, pawang na aagnas na ang mga baboy kaya’t agad rin nila itong inilibing at dinis-infect ang lugar.
Sinabi ni Carlos na 2003 pa nang ipagbawal ng Marikina ang backyard piggery kaya’t imposibleng magmula sa kanilang syudad ang mga baboy.
Dahil dito, nakipag-ugnayan na aniya sya sa Provincial Veterinary Office (PVO) ng Rizal kung saan unang natuklasan ang African Swine Flu (ASF).
Sa ngayon, sinabi ni Carlos na todo bantay sila sa mga pumapasok na karne ng baboy sa Marikina upang matiyak na hindi kontaminado ng anumang sakit ang maibebenta sa kanilang pamilihan.