Pumalo na sa 4, 045 ,358 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y matapos madagdagan ng 1,483 na panibagong kaso ng virus kung saan nasa 17, 994 na ang active cases sa Pilipinas.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa 3, 962 , 544 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling habang umakyat na sa 64, 820 ang death toll.
Naitala sa Metro Manila ang pinakamaraming dinapuan ng COVID-19 na may 5,424, sinundan ng CALABARZON na may 2, 153, Central Luzon na may 1,080, Western Visayas na may 880 at Cagayan Valley na may 779.