Sumampa na sa 6 na milyon ang mga kabahayan na kinatok ng mga pulis sa ilalim ng Oplan Tokhang.
Batay ito sa datos ng Philippine National Police o PNP mula July 1, 2016 hanggang January 5, 2017 ng alas-6 ng umaga.
Nagresulta ito sa pagsuko ng 1,017,000 drug user at pusher.
Sa kabilang banda mahigit 2,000 na ang mga napatay na drug suspek matapos umanong manlaban sa mga operasyon.
Sa panig naman ng gobyerno, 21 pulis at 3 sundalo na ang napatay sa mga anti-illegal drug operation.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal