Umaabot na sa 600 ang biktima ng summary executions ng mga ‘di kilalang suspek o vigilante groups.
Ito, ayon kay Senador Panfilo Lacson ay mula sa aniya’y well informed sources sa loob mismo ng Philippine National Police.
Sinabi pa ni Lacson na kung sa media ay mahigit 200 pa lang ang naitalang kaso ng summary execution, pero sa nakuha niyang impormasyon, ito ay nasa 600 na.
Giit ng mambabatas, mahalagang malaman kung ilan na rito ang naimbestigahan ng PNP, ilan ang meron ng lead, ilan ang natukoy na nila kung sino ang pumatay, at ilan na ang nakasuhan.
By: Meann Tanbio /(Reporter No. 19) Cely Bueno