Umabot sa 70 ang patay at 47 ang patuloy na nawawala sa flash floods sa bansang Turkey.
Patuloy na umaakyat ang bilang ng mga nasawi dahil sa patuloy rin ang pagsasagawa ng rescue and recovery efforts sa mga debris na iniwan ng humupa ang baha sa lugar.
Ayon naman sa disaster and management service, mahigit 40 naman na kabahayan ang wala pa ring supply ng kuryente at tubig.
Nagtayo na rin ng pansamantalang cellphone receiver at transmitter ang mga emergency team para makatulong sa linya ng komunikasyon.—sa panulat ni Rex Espiritu