Ipinagmalaki ng Office of the Ombudsman na mula sa 45 percent ay umakyat sa 75 percent ang conviction rate nito.
Ito’y matapos mabatid na 81 sa 108 kaso ay nadesisyunan ng Sandiganbayan sa unang anim na buwan ngayong taon kung saan nahatulan din ang mga akusado.
Sa isang performance report, tinukoy ng Ombudsman na sa mga napagpasyahang kaso ng Anti-Graft Court ay 27 naman ang na-acquit o naabswelto.
Binanggit din sa ulat na naaksiyunan ng anti-graft body ang halos 3,000 reklamo mula sa mahigit 11,000 complaints o reklamo na nakarating sa ahensya.
Ayon kay Deputy Ombudsman for Luzon Gerard Mosquera, ginagampanang mabuti ng Ombudsman ang mandato nito na labanan ang korapsiyon sa bansa.
By Jelbert Perdez