Nababahala ang isang grupo sa pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) and Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa General Santos City, lalo na sa mga kabataan doon.
Ayon kay Cris Lopera, Executive Director ng Gender Rights and Reproductive Health Advocate Shine Soccskargen Inc., tumaas ang mga kaso ng naturang sakit sa siyudad sa nakalipas na mga buwan.
Batay sa datos mula sa City Health Office HIV/AIDS Core Team hanggang nitong Setyembre, umakyat na sa 112 ang mga kaso nito, na mas mataas kumpara sa 44 na kaso noong nakaraang taon.
Kabilang sa HIV/AIDS cases ay isang 15-anyos na lalaki.
Sinabi pa ni Lopera na dapat ding tutukan ng lokal na pamahalaan ang nasabing sakit maliban sa COVID-19.—sa panulat ni Hya Ludivico