Blangko ang Malacañang sa posibilidad na mabigyan ng puwesto sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senador Jinggoy Estrada.
Ito’y sa harap na rin ng tila pahaging ni Estrada na pagiging bukas nito sa alinmang posisyon sa gubyerno sakaling alukin ng Pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, wala siyang ideya sa nasabing usapin dahil hindi naman aniya ito napag-uusapan sa pagpupulong.
Kasunod nito, tikom din ang bibig ni Abella hinggil sa pahayag ng Justice Department na gawing state witness si Estrada kaugnay sa kontrobersyal na pork barrel fund scam.
Ulat ni Jopel Pelenio / Aileen Taliping
SMW: RPE