Binale-wala ng Department of National Defense ang di umanoy banta sa Pilipinas ng ‘aerostat’ na inilagay ng China sa Mischief Reef sa West Philippine Sea.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi naman ito magiging problema sa Pilipinas dahil limitado sa 25 hanggang 50 kilometro lamang ang sakop ng aerostat na ginagamit sa intelligence gathering.
Posible anya na minomonitor lamang ng China ang mga artificial islands sa Mischief Reef.
Sinabi ni Lorenzana na kung mayroon mang dapat pangambahan ito ay ang mga satellites ng China na madalas lumilipad sa ibabaw ng Pilipinas.
Aminado si Lorenzana na walang kakayahan ang Pilipinas na protektahan ang bansa mula sa satellites na lumilipad sa ibabaw nito bansa.
Maliban anya sa China, may mga satellites rin ang Japan, Amerika, Russia, United Kingdom, South Korea at Indonesia na nagsasagawa ng intelligence gathering.