Itinuturing na payo lamang ng Palasyo ang umano’y bantang gulo ni Chinese President Xi Jinping sakaling magsagawa ng oil exploration ang Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi ito pagbabanta at nagiging praktikal lang si Xi sa naging pahayag nito.
Hindi aniya nais ni Xi na magkaroon ng anomang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China.
Giit pa ni Panelo, may mga benepisyo ring nakukuha ang Pilipinas sa ginagawang pakikipag-kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bansang kaalitan noon ng Pilipinas.
Magugunitang sa oath taking ni Senator elect Christopher ‘Bong’ Go, sinabi ng pangulo na ginawa ni Xi ang pagbabanta sa kanilang naging bilateral meeting.