Arestado ang isang pinaniniwalaang “Bomb maker” sa Albay matapos magsagawa ng follow up operation ang Philippine National Police kasama ang Armed Forces of the Philippines.
Kinilala ito sa mga alyas na “Disoy”, “Andro”, “Domeng”, 77- anyos, miyembro ng Komprob o Komiteng Probinsiya.
Ayon sa PNP, isinagawa ang operasyon sa nasabing barangay, kung saan isang lalaki ang bigla na lamang tumakbo makaraang mapansin ang mga otoridad.
Hinabol ito ng mga operatiba at pumasok sa isang makeshift house, dahil dito’y pumasok din dito ang mga otoridad dito na tumambad sakanila ang mga ied materials at medical kit.
Maliban dito ay nadiskubre pa ang iba’t ibang electrical wire, ied materials, isang caliber 38 revolver na may limang bala.
Hawak ng Pio Duran MPS ang suspekat nahaharap sa patong-patong na kaso