Kumakalat ngayon sa internet ang umano’y “campaign advertisement” ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na matunog na tatakbo sa 2016 Presidential elections.
Ang video na in-upload ng isang “mugstoria” sa Youtube ay may pamagat na “leak[ed] video of Duterte’s campaign ad?” at nilagyan pa ng caption na “A leaked TVC of Duterte, is he running?”
Sa 30-second video ay makikita si Duterte na nakasakay sa isang motorsiklo at nakasuot ng helmet habang binabati ng mga tao.
Inilalarawan din ang Davao City na pang-siyam sa pinakaligtas na siyudad sa buong mundo.
Sa dulong bahagi ng video ay ipinakikita ang larawan ni Duterte at umano’y slogan na “Tapang at Malasakit.”
By Jelbert Perdez