Isinusulong ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng umano’y censorship ng Facebook matapos tanggalin ang ilang accounts at advocacy pages na sumusuporta sa kampanya laban sa terorismo.
Batay sa Senate Resolution 531, pinaiimbestigahan ni Dela Rosa ang sinasabing censorship ng social media giant upang matiyak na hindi nasisikil ang freedom of speech o kalayaan sa pananalita ng mga Pilipino.
As of July ngayong taon, ikalawa ang Pilipinas sa Asya sa pinakamalaking market ng Facebook na may 76 million users.