Inalmahan ng MILF o Moro Islamic Liberation Front ang alegasyon na mistula silang diktador sa pagbuo ng BTA o Bangsamoro Transition Authority.
Ayon kay MILF chairman Murad Ibrahim, sa ilalim ng BOL o Bangsamoro Organic Law, apatnaput isa (41) sa walumpung (80) miyembro ng bta ang magmumula sa MILF.
Ang pamahalaan aniya ng Pilipinas ang bahalang pumuno sa tatlumput siyam (39) na puwesto sa BTA at kabilang sa pagpipilian nilang sektor o grupo ang MNLF o Moro National Liberation Front.
Binigyang diin ni Ibrahim na ang pagbuo ng transition authority ay ginawa para sa transition ng MILF mula sa pagiging rebelde o rebolusyonaryo tungo sa pamamahala ng burukrasya.
Sinabi ni Ibrahim na hindi kelangan ng MNLF ng transition dahil matagal na silang kabilang sa pamahalaan.
Una rito, inireklamo ni Atty. Ferdausi Abas ng MNLF na lima lamang sa dalawamput dalawang (22) rekomendado ng MNLF ang napiling maging miyembro ng bta.
Dahil dito, nagbanta si Abbas na kakalas na sa paksyon ng MNLF na sumama sa peace talks kasama ng MILF.