Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health na imbestigahan ang umano’y “false positive” COVID-19 test results mula sa Philippine Red Cross (PRC).
Ito’y makaraang makatanggap ng reklamo na dispalinghado umano ang COVID test ng Red Cross.
Ayon sa Pangulo, ilang government employees kabilang ang mga hospital personnel ang nagpositibo sa RT-PCR test results mula sa PRC pero makalipas ang tatlong araw ay nag-negatibo naman sa ibang laboratoryo.
Mulinamang binanatan ni Pangulong Duterte si Senador Richard Gordon na Chairman ng PRC at nangunguna sa imbestigasyon sa umano’y anomalya sa pagbili ng gobyerno ng medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceuticals. —sa panulat ni Drew Nacino