Naaresto ng pinagsanib ng puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG at Philippine Army ang umano’y financier ng Maute group sa Valenzuela City.
Kinilala ang suspek na si Aminkisa Macadato, na inaakusahang nangongolekta ng pondo para sa Maute group na naghasik ng terorismo sa Marawi City.
Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng pinagsamang-puwersa ng CIDG at militar ang tahanan ni Macadato sa P. Santiago Street Paso de Blas sa Valenzuela City kung saan nakuha ang isang granada at baril.
Lumitaw sa beripikasyon na si Macadato ay anak ng dating alkalde ng Butig, Lanao del Sur na si Ibrahim Macadato at siya rin ay pamangkin ni Farhana Maute na ina ng magkapatid na terorista na sina Omar at Abdullah Maute.
—-