Pinasinungalingan ng Australia ang lumabas na ulat kaugnay ng umano’y free visa sa mga Pilipinong magtutungo sa kanilang bansa.
Ayon sa Australian Embassy sa Maynila, hindi totoo na simula sa January 2017 ay hindi na hihingian ng visa ng Australia ang mga Pinoy na bibisita sa kanilang bansa sa loob ng 90 days.
Kaugnay nito, nagbabala ang Australian Embassy sa mga Pinoy na huwag maniwala sa ganoong ulat.
Paglilinaw nila, kailangan pa rin ng visa ng mga Pinoy.
At para mas magabayan ang mga Pinoy na balak magtungo sa Australia, mainam anilang bisitahin na lamang ang kanilang website para malaman din ang mga kaukulang requirements.
Samantala isa pang article ang pinasinungalingan ng mga Australian authority kung saan isinasaad ng anila’y mapanlinlang na report na ang mga Pinoy na bibisita sa Australia ay kailangan lamang magpakita ng return ticket at proof of funds na nagkakahalaga ng 1,500 US Dollars bago silang payagang makapasok sa nasabing bansa.
By: Avee Devierte / Allan Francisco