Iimbestigahan ng Department of Justice o DOJ ang umano’y “Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale” sa Bureau of Corrections o BuCor.
Ito ay kasunod ng pagsisiwalat ng testigong si Yolanda Camilon na nagbayad siya ng 50,000 pesos sa ilang opisyal ng ahensya kapalit ng pagkakalaya ng kanyang mister.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sisimulan ang imbestigasyon kapag nakumpleto na ang guidelines sa implementasyon ng ilang probisyon sa ilalim ng Republic Act 10592.
Naging mainit ang usapin sa GCTA matapos mapaulat ang posibleng paglaya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez.