Mariing kinondena ni Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang umano’y harassment na naranasan ng tagasuporta ni Presidential Aspirant Vice President Leni Robredo sa Camp Aguinaldo.
Sa viral na Facebook Post, hindi pinapasok sa kampo ang sasakyan ng tagasuporta matapos sabihin ng military personnel na hindi pwede ang ribbon sa lugar.
Pinatanggal muna ang ribbon bago pinayagang makapasok ang sasakyan.
Paliwanag naman ni Lorenzana na mali ang nangyari dahil hindi naman ipinagbabawal ang ribbons at sticker ng mga sasakyang papasok sa kampo.
Agad na inatasan ni Lorenzana ang mga commanders na maayos na ipatupad ang polisiya. - sa panulat ni Abigail Malanday