Lalo lamang lalaki ang pagkakautang ng PhilHealth kung hindi nito babayaran ng buo ang halos P1-B pagkakautang sa Philippine Red Cross (PRC).
Ito ang inihayag ni PRC Chairman Sen. Richard Gordon makaraang hindi ito pumayag na bayaran ng kalahati ng state insurer ang kanilang pagkakautang.
Mariin ding itinanggi ni Gordon na pumayag ang PRC na kalahati muna ang bayaran sa kanila ng PhilHealth kaya’t nanindigan ito na dapat buo ang matanggap nilang kabayaran mula sa nasabing utang.
Muli namang iginiit ng senador na isang non profit oriented organization ang Red Cross at hindi nila kayang balikatin ang P3,500 kada RT-PCR test.