Timbog ang umano’y hitman ng isang kidnap-for-ransom group na nag-ooperate sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.
Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Diosito Sagrada, dating miyembro ng Philippine Army at umano’y hitman ng pangilinan kidnap-for-ransom group na nauugnay din sa kidnapping activities sa tatlong rehiyon.
Isinilbi ng mga pulis ang arrest warrant laban kay Sagrada sa bahay nito sa Barangay 186 sa kasong kidnapping with homicide.
Nagtatago na ang mga miyembro ng grupo lalo na ang pinuno nitong si Mel Pangilinan.
Dinala na sa AKG Headquarters sa Camp Crame para sa kaukulang interogasyon.