Patay ang umano’y hitman ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa gayundin ang asawa nito matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang salarin sa Albuera, Leyte.
Kinilala ni Police Regional Office 8 Director C/Supt. Dionardo Carlos ang mga nasawi na sina Jesus Tulin gayundin ang asawa nitong si Sunshine na taga barangay Mabini, Ormoc City.
Sinasabing pinagbabaril ang mga nasawi sa tahanan mismo ni Tulin sa barangay Cambalading sa Albuera, Leyte.
Pero batay sa impormasyong nakalap ng mga imbestigador mula sa mga nakasaksing construction worker sa lugar, nakasuot ng bonnet ang mga salarin nang isakatuparan ang pananambang.
Narekober sa pinangyarihan ng pamamaril ang labing tatlong basyo ng bala at isang kalibre kuwarenta’y singkong pistola.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng Albuera Municipal Police Station ang naturang insidente.