Paiimbestigahan ni Akbayan Party List Representative Tom Villarin ang umanoy human rights violations dulot ng deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Kasunod ito ng pahayag ng ibp-Lanao Del Sur Chapter ng mga nakuhang impormasyon hinggil sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao habang ipinatutupad ang batas militar.
Sinabi ni Villarin na nais nilang makita ang operational guidelines ng batas militar at impact nito sa ground.
By: Judith Larino
Umano’y human rights violation na dulot ng Martial Law pinaiimbestigahan was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882